Poetry, Music, And Love

Biyernes, Oktubre 28, 2011

KABATAAN: Naglalahong Pag-asa Ng Bayan

Sa aking paglaki,
Tinuring kong pangalawang tirahan ang paaralan
Tahanang walang makakapantay sa aking natututunan
Dito ako pinasok ng aking mga butihing magulang
Para matutong bumasa, sumulat at gumalang.

Ngunit paano mga katulad kong kabataan
Na 'di naranasan tumapak sa paaralan
Ano nang mangyayari sa kanilang kinabukasan
Kung lagi lang silang nakatambay sa daan?

Mga nakikita ko sa lansangan
Ka-edad kung batang matanda na kung tignan
At ako'y naaawa tuwing sila'y aking tinititigan
Di nakapag-aral dahil sa kahirapan.

At ng dahil sa hirap ng buhay
Natutuksong gumawa ng masama ang kabataan
Tulad ng pagnanakaw at pagsisira ng ari-arian
At 'di nila sinasadya, dahil ito'y kailangan.

Paano lulutasin ang mga problema nating hinaharap
Kung ang ating mga pinuno ay walang pakialam sa paghihirap
Palaging pangako ang mga salitang binibitawan
Tuwing eleksyon dahil boto natin ang kailangan.

Ano na ang nangyayari sa ating bayan?
Kung ganito ang katulad kong mga kabataan?
At paano narin ang kasabihang,
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan?"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento